Pages to ponder.

Sunday, May 2, 2010

TATSULOK: Tatlong Sulok ng Pag-ibig.

Kabanata IVAng Pagtutuos…


Narrator: Sa isang madilim na gubat. May mga nilalang na naninirahan. Madidilim na nilalang. At ang tanging makikita mo lang ang mapupula nilang mata. Gutom. Mabangis. Naglalaway… Pero walang kinalaman sa kabanata yan. Chena lang yan!

…Sa pagbabalik natin sa kwento, nalaman na ni girl ang panloloko ni guy. At hindi niya matanggap yun dahil.. ( biglang may nagsalita)

Girl: hoy! leche kang narator ka! sobra na ang exposure mo. Umalis kana diyan!

Narrator: Ok naman! Sorry naman te!

Girl: Walang anuman. (out na si narator… luhaang umalis habang hinihila ang lata na puno ng fruit cocktail..)

Girl: Bakit niya ako niloko? Bakit?! ( sabay subo sa banana que na binili niya sa Roxas Boulevard..)

Others: Ikaw kasi nagmamaganda ka! ( sabay kagat sa tuna sandwich with balsamic vinegar tosed with blackberry juice and lemon and lime dressing..)

Girl: Sino yan? Sino ka?

Others: Ang konsensiya mo!

Girl: Eh wala naman akong kinamot na buni ko sa legs at sa dalawang braso ko ah.

Others: Pwede bee!? Jollibee! May CCTV akong kinabit sa katawan mo. Halatang-obvious na nagsisinungaling ka! Over ka ah!

Girl: …

Others: Oh ano?! Di ka makapagsalita ngayon huh? Ano?! Basagan nalang ng bote?! Huh? Akala ko ba siga ka?!

Girl: …

Others: Magsalita ka! Magsalita ka!

Girl: (sinipa ang konsensiya!!!) Paano ako magsasalita eh nilagay mo ang kamao mo sa bunganga ko! Sira! …

(Kumaripas ng takbo ang babae…. kahit naiwan niya ang kanyang underwear na kulay tangerine kay Konsensiya…)

Others: Pano nato? Pano ko pa siya makikita eh naiwan niya ang panty niya.. Dito ko pamo kinabit ang CCTV!

(.. bumalik si girl…)

Girl: Walang hiya ka! Akin na yang panty ko. Antique to! Ang kapal mo!


(tumakbo ulit si girl. bitbit ang “antique” niya na panty na kulay tangerine na binili niya sa SO-EN supermarket… at si Konsensiya… nevermind!..)

ITUTULOY...

No comments: