Pages to ponder.

Monday, May 3, 2010

TATSULOK: Tatlong sulok ng Pag ibig

Kabanata IX
Ang natatanging PAGBABAGO.


Asawa ng Narator: Dahil sa nagbabagong panahon. At dahil sa global warming, soil erosion, melting of the ice caps, polar shift at ang pinaka inaabangan na Mayan Prophecy sa 2012 ay napilitang makipaghiwalay si GIRL kay Guy. Speaking of Girl. Nais kong ipaalam sa inyo kung paano siya nabuhay. Bakit? Wala lang. Sayang naman tong kabanatang ito e. Diba?


MAMA MUTZ: ( Manganganak na...) ARAAAAY! LUIS. LUIS. Dalhin mo ako sa garden natin. Dun ko gusto manganak. Para one with nature.

LUIS: ( pang walong asawa ng nanay ni Girl) Wala tayong garden *GOYA ko. ( *Goya ang term of endearment nilang dalawa ) Diba nga kabukas mo ng pinto eh High Way na?

MAMA MUTZ: Ayy oo nga pala. Dalhin mo ako sa Garden ng Kapitbahay. Yung may bastos na Angel na umiihi. Dun ako manganganak.

Apo ng Narator: Nag CR lang si Lola ko. Ako muna daw ang mag magsalita. So ayun na nga. Dun pinanganak si GIRL. At since sa Garden siya pinanganak. GARDENIA ang name niya. Kahit walang palaman. In english, even if theres no FLESH around?! Tama!

MAMA MUTZ: Anak. Pinapangako ko sa Angel na Umiihi nato na magiging sikat ka. Pag aagawan ka ng mga lalaki. At yan ang pagbabago na gusto ko mangyari sayo dahil dati... Oo pinag aagawan ako. Kaso mga babae umaagaw sakin. Mukha daw akong lalaki. Babaeng mukhang lalaki. Kaya anak. ikaw ang PAGBABAGO!

LUIS: Goya ko, tama ka. Ikaw anak ang magpapatuloy ng lahi natin. Lahi ng mararangal at matatapang.


Katulong ng Narator: Kumain lang si Sir. Ako muna daw mag take over. At biglang may dumaan na isang ipis. Gumapang sa paa ni Luis. At...

LUIS: WAAAAAAAGGG!!! AHHHHH! ALLERGY AKO. ALLERGY AKO!!!

MAMA MUTZ: GAGO! ALLERGIC!

LUIS: Ayy. Wait. ALLERGIC AKO SA IPISSSSS! WAHHHHHHHH! Uhhh!

Katulong ng Narator: Tama ang hinala mo. Hindi siya ginahasa ng ipis wag kang epal. Allergic siya sa ipis ayun. Namatay siya. At mula noon si MAMA MUTZ at Gardenia ( Kahit Walang Palaman! ) ang nabuhay ng masaya. Ano kaya ang susunod na mangyayari? Ano ang... iluluto ko na almusal bukas? Any suggestion?! Abangan...


ITUTULOY...

No comments: