Pages to ponder.

Monday, May 3, 2010

TATSULOK: Tatlong sulok ng Pag ibig.

KABANATA VIII
MUDRA KNOWS BEST...


Kapatid ng Lolo ng Narator: Bago ko ituloy ang kwento... Binabati ko ang mga kamag anak ko diyan sa Pagudpod. And to all KFC subscribers... Eto na, dahil sa pagtatalong naganap kay GIRL at kay KABET... Umuwi si Kabet sa nanay niya. Si Matutina Luisita y Marcelo AKA MAMA MUTZ.

MAMA: Anak, oh napasugod ka?

KABET: Mah! I need your help. May ipapabarang ako.

MAMA: Anak, pasensya kana. Walang bisa ang barang ngayon. Martes. Dapat pumunta ka Biyernes o Lunes. Para long weekend.

KABET: Di ba pede... Isipin nalang natin biyernes ngayon? O lunes?

MAMA: Hindi anak. Sorry. Atsaka magkikita kami ngayon ni Brando. Mamasahiin ko sya.

KABET: Ma, Ang mga tala--mataas, mahirap maabot. Pero ipinapangako ko, Inay, bukas, luluhod ang mga tala!

MAMA: Anong connect nun kay Brando?!

KABET: Ma, broken hearted ako. Help me. Please.

MAMA: Anak, Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain. Dapat you learn how to close your door. Mahal na ang bayad sa kuryente anak, lalo pag 24/7.

KABET: Ma, Ayoko ng tinatapakan ako. Ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!

MAMA: Anak, learn to move on. May kutsilyo ako dyan sa cabinet. Yan ang kutsilyo ni panday. Gamitin mo. At sumugod ka.

KABET: Salamat ma. Salamat. You're the best mother in the world. Mudra really knows best. Alam mo ma, sobrang thank you. Ano nalang gagawin ko kung wala diba?
(nakatingin sa langit sa may bintana...) Alam mo ma, mahal na mahal kita. Sobra. Sobrang mahal kita...

Kapatid ng Lolo ng Narator: Hindi nya alam... Wala na pala siyang kausap... Umalis na ang mama niya. Kasi nag tweet na si brando at nag BBM sa Blackberry 3G phone ng mama nya.

KABET: (labas mata. mukhang tanga...)

ITUTULOY...

No comments: